Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko laban sa kumakalat na mga larawan sa social media na nagpapakita ng matinding pagsabog ng Mount Kanlaon Volcano sa Negros.

Paliwanag ng Phivolcs, ang ilang larawan na may kinalaman sa pagsabog ng nasabing bulkan na kumalat nitong Lunes ay mga kuha sa pagsabog ng Mt. Sinabung sa Sumatra, Indonesia noong 2013.

“The active Kanlaon has been restive since November, when a ‘minor ash eruption’ was observed from the volcano.

Similar eruptions were recorded last Saturday,” ayon sa Phivolcs.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa ahensiya, ipinaiiral pa rin ang Alert Level 1 na senyales ng “slight unrest” ng bulkan kaya ipinatutupad din ng Philvolcs ang four-kilometer permanent danger zone (PDZ) mula sa crater ng bulkan.

“Despite this, photos purportedly of a massive explosion of Kanlaon have been circulating on social media. These have turned out to be of a completely different volcano, Mount Sinabung in Indonesia, whose spectacular eruption was photographed in 2013,” pagdidiin pa ng ahensiya. (Rommel P. Tabbad)