Meryll, John Lloyd at Direk Matti copy

DAHIL kasama si Laguna Cong. Dan Fernandez sa pelikulang Honor Thy Father, with John Lloyd Cruz as lead actor, tinulungan ng actor-politician ang kanyang direktor na si Erik Matti at producer na si Dondon Monteverde sa pagpa-file ng resolution last Monday sa House of Representatives directing the committee on Metro Manila Development Authority to conduct an inquiry in aid of legislation, sa disqualification ng naturang pelikula sa selection sa Best Picture category sa 2015 Metro Manila Film Festival awards night.

With Reality Entertainment producer Dondon Monteverde, kasamang nag-file ni Cong. Dan ang abogado ng Reality Entertainment na si Atty. Agnes Maranan.

Ang punto nina Atty. Maranan, Dan at Dondon, hindi dumaan sa due process ang pagdi-disqualify sa Honor Thy Father.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“The notice was served to me less than 24 hours prior to the awards night kaya wala kaming chance para mag-file ng appeal for reconsideration for the disqualification,” pahayag ni Dondon.

Iginiit naman ni Cong. Dan, na aminadong malaki ang utang na loob niya sa movie industry, “Hindi ko ito ginagawa dahil kasama ako sa pelikula. Isang hamak na artista lang po ako, ang sa akin lang, gusto kong makatulong sa mga maliliit na producer ng pelikula kaya nag-file ako ng ganitong resolution.

“Fortunately nga, involved ako sa movie kaya nakita ko how hard it was done. In other words, ’yung pagkakaroon ng involvement ko sa pelikula, naging materyal upang makita ko at maramdaman ko ’yung nangyayari sa loob ng festival.

“Kasi nalaman ko nu’ng mga times na ’yon, hindi natanggap nu’ng una ng komite ng festival. Pero sumulat ang festival committee sa producer, umatras ang Hermano Puli, pumasok ang Honor Thy Father,” pahayag pa ni Cong. Dan.

Malasakit sa pagod at hirap sa pagbuo ng pelikula ang motibasyon niya.

“Nakita natin ang hirap na ginawa para sa movie, nakita ko ’yung injustice perpetrated sa producer. Being a public servant, as a congressman, we have power in Congress, this oversight power to investigate para sa kabutihan ng bawat issue sa bansang Pilipinas. I think it’s my responsibility as a congressman, not as an actor, but probably as an actor as well, pero as congressman, to hear this problem.

“There are some allegations, anomalies that were committed. And I think it is my bound duty to investigate this matter,” ani Dan.

Nagbigay din siya ng reaksiyon sa sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na hindi umano ito natatakot sa anumang magiging imbestigasyon ng Kongreso.

“Chairman Carlos, ito pong imbestigasyon na ginagawa namin is in aid of legislation, hindi po kami nananakot dito.

Iwasan po natin ‘yung masasakit na salita na ating binibitiwan. Ginagawa po namin ito para mapabuti po natin ang batas na umiiral sa ating bansa,” sabi ni Cong. Dan Fernandez. (ADOR SALUTA)