Isang 22-anyos na vendor ang tinamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Ginagamot ngayon sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Romeo Villanueva, binata, at residente ng 1158 Camba Street, sa Tondo, dahil sa tama ng bala sa beywang.

Batay sa report ni P/Chief Inspector Rennie Geronimo, Deputy Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Station 2, dakong 2:50 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Asuncion Street at P. Ortega Street, sa Tondo.

Naglalakad ang biktima nang makarinig siya ng putok ng baril hanggang sa maramdaman niya na masakit ang kanyang kanyang beywang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At nang kanyang tingnan, ay nakita niyang may umaagos ng dugo kaya’t kaagad siyang nagtungo sa pagamutan.

(Mary Ann Santiago)