Disyembre 29, 1835 nang mapilitan ang Tribung Cherokee, isang grupo ng mga North American Indian mula sa lahing Iroquoian, na lisanin ang matagal na nilang tirahan sa Georgia matapos na lagdaan ang Treaty of New Echota. Ang tratado ay nilagdaan ni Major Ridge, na miyembro ng Cherokee Council, at ng gobyerno ng Amerika nang araw din na iyon.

Nakasaad sa kasunduan na ipauubaya na ng mga Cherokee sa gobyerno ng Amerika ang kanilang mga lupain sa silangan ng Mississippi River, at maninirahan sa mga bagong lupain sa West.

Sa loob ng maraming taon, naharap sa problemang legal ang grupo mula sa gobyerno ng Amerika dahil sa lupang inookupa ng tribu. Noong huling bahagi ng 1820s, bumoto ang State of Georgia upang lipulin ang gobyernong Cherokee.

Naniniwala noon sina John at Buck, mga anak ni Major Ridge, na ang tanging solusyon upang maresolba ang problema ay ang paglipat sa West.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’