RIYADH (AFP) — Inihayag ng Saudi Arabia ang record budget deficit at pagbawas sa fuel at utility subsidies sa paghirap ng oil powerhouse dahil sa matinding pagbagsak sa presyo ng krudo sa mundo.

Sinabi ng finance ministry sa isang pahayag na ang mga revenue ngayong 2015 ay tinatayang nasa 608 billion riyals ($162 billion), pinakamababa simula noong 2009 nang lumagapak ang presyo ng langis resulta ng pandaigdigang krisis pinansyal.

Idinagdag ng ministry na pinag-iisipan nitong itaas ang mga singil sa public services at magpataw ng value-added tax katuwang ang iba pang Gulf Arab nation, na nahaharap din sa kaparehong pressure sa pagbagsak ng presyo ng langis.

Nagbabala ang IMF na kapag nabigo ang Riyadh na bawasan ang paggasta at magpatupad ng mga reporma ay mauubos ng bansa ang fiscal reserves nito sa loob lamang ng limang taon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina