Jennylyn & Jericho copy

TIGDALAWANG best picture award ang natanggap ng My Bebe Love at #Walang Forever, sa katatapos na 41st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal na idinaos sa Kia Theater sa Araneta Center, Quezon City. Ang #Walang Forever ay tumanggap ng FPJ Memorial Award for Excellence at Best Festival Picture. Tinanggap naman ng My Bebe Love ang Third Best Festival Picture at Gat Antonio J. Villegas Cultural Award.

Sa acting award, nakuha ni Maine Mendoza ang Best Supporting Actress award para sa My Bebe Love at sina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales naman ang naging Best Actress at Best Actor respectively para sa #Walang Forever. Medyo nagkaroon ng problema sa maling cue card na naibigay sa presenter na si Janine Gutierrez. Pagkakamali iyon ng gumawa ng cue cards dahil ang Gat Antonio J. Villegas Cultural Award ang nilagyan nito ng tatlong best picture award.

Madali rin namang naipaliwanag at in-announce na ang third festival best picture award ay ang My Bebe Love at ang second best picture ay ang Buy Now, Die Later at Best Festival Picture nga ang #Walang Forever. Nilinaw din na ang My Bebe Love ang sole winner ng Gat Antonio J. Villegas Cultural Award.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naging gabi rin iyon ng paglalabas ng sama ng loob. Matatalim ang mga ipinost sa Twitter ni Direk Erik Matti sa disqualification for the best picture award ng Honor Thy Father, pero ang mga technical at acting award ay hindi naman disqualified. Nang manalo bilang Best Director, matindi rin ang kanyang thank you speech na binasa ng kanyang ipinadalang kinatawan, at pagkatapos ay nag-walkout daw ang mga taga-Honor Thy Father na nag-attend ng awards night.

Nakiusap naman si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa moviegoers na panoorin ang lahat ng mga pelikulang kalahok sa festival, huwag ang dalawa lamang pelikula na naglalaban sa box-office.

Pero naniniwala kami na tulad last year, aakyat sa box-office ang #Walang Forever tulad din ng nangyari last year sa English Only, Please dahil maganda at mahuhusay ang cast.

Kahanga-hanga ang pagho-host ni Richard Gutierrez at ni KC Concepcion na pangatlong taon na sa Gabi ng Parangal. Sa unang dalawang taon, ang co-host ni KC ay si Kris Aquino, na nakabakasyon ngayon. Narito ang list ng mga nanalo sa mainstream movies:

Best Actress – Jennylyn Mercado (#Walang Forever)

Best Actor – Jericho Rosales (#Walang Forever)

Gat Antonio J. Villegas Cultural Award – My Bebe Love #KiligPaMore

Best Festival Picture – #Walang Forever

Second Best Picture - Buy Now, Die Later

Third Best Picture – My Bebe Love #KiligPaMore

Best Supporting Actress – Maine Mendoza (My Bebe Love #KiligPaMore)

Best Supporting Actor – Tirso Cruz III (Honor Thy Father)

Best Festival Director – Erik Matti (Honor Thy Father)

Best Festival Original Story – Dan Villegas and Antoinette Jadaone (#Walang Forever)

FPJ Memorial Award for Excellence (with P400,000 incentives) – #Walang Forever

Best Cinematography – Pao Orendain (Nilalang)

Best Editing – Jason Cahapay (Nilalang)

Best Production Design – Angel Gesta (Buy Now, Die Later)

Best Visual Effects – Nilalang

Best Make-Up – Honor Thy Father

Best Original Theme Song – Tao by Armie Millare (Honor Thy Father)

Best Musical Score - Jesse Lasaten (Nilalang)

Best Sound – Ditoy Aguila (Nilalang)

Special Awards:

Male Celebrity of the Night – Cesar Montano

HOOQ Female Celebrity of the Night – Jennylyn Mercado

MMFF Special Award (Plaque of Appreciation) – Former MMDA Chairman Francis Tolentino

Naunang ini-announce at pinagkalooban ng awards ang mga nanalo sa Short Films, Manila Bulletin Short Film at Animation at sa New Wave category.

Ang awards night ay napanood din last Sunday evening sa delayed telecast sa TV5 produced by Viva Entertainment. (NORA CALDERON)