CHICAGO (AP) – Aksidenteng nabaril at napatay ng isang Chicago police officer na rumesponde sa isang away pamilya ang isang 55-anyos na babae, na kabilang sa dalawang nasawi sa engkuwentro, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ng mga kaanak ni Bettie Jones na nakatira siya sa ilalim na palapag ng bahay ni Quintonio LeGrier, ang 19-anyos na estudyante na naging dahilan ng pagresponde ng pulisya at napatay din sa insidente.

Ayon sa pulisya, 30 araw na sasailalim sa administrative duties ang hindi pinangalanang pulis na nakapatay kay Jones.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo