MELBOURNE (AFP) – Isang bushfire na sumiklab noong Pasko ang tumupok na sa mahigit 100 bahay sa katimugang Australia, sinabi ng mga opisyal kahapon, kasabay ng babala na hindi rito nagtatapos ang pinsalang maidudulot ng sunog.
Apektado ng bushfire ang dalawang bayan sa timog-kanlurang Melbourne, ang Wye River at ang Separation Creek, na karamihan sa 116 na bahay na natupok ay pinaniniwalaang mga bakasyunan.
Nasa 500 bombero ang nagtulung-tulong upang apulahin ang apoy, bagamat walang iniulat na nasugatan sa insidente.