Binaril at napatay ng isang lalaki ang kalaguyo ng kanyang misis makaraan niyang mahuli sa akto ang dalawa habang nagtatalik sa damuhan hindi kalayuan sa kanilang bahay sa Ilocos Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Ilocos Sur Police Provncial Office (ISPPO), kinilala ang biktimang si Allan Reyes, 37, habang ang suspek ay si Ariel Vasquez, 31, kapwa nakatira sa Barangay Remedios, Cervantes.

Batay sa imbestigasyon ng tanggapan ni Senior Insp. Napoleon Gao-ay, hepe ng Cervantes Municipal Police, galing sa inuman si Vasquez nang umuwi ito sa bahay.

Hinanap ng suspek ang asawang si Noemi Ruth Vasquez, pero wala ito sa bahay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil dito, lumabas siya ng bahay at sa hindi kalayuan, sa bahagi ng damuhan, ay naaktuhan niya umano ang asawa at si Reyes na nagtatalik.

Nagdilim ang paningin ng suspek, kumuha ng baril at ilang beses na pinaputukan si Reyes hanggang sa mamatay ito.

Papatakas na ang suspek nang maaresto siya ng pulisya, at kakasuhan ng homicide.

Nabatid ng pulisya mula sa suspek na isang overseas Filipino worker (OFW) ang asawa ni Reyes. (Fer Taboy)