Curry_JPEG (page 16 banner photo) copy

Warriors, walang pamasko sa Cavs, 28-1.

Hindi pinamaskuhan ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa kanilang “Christmas showdown” noong Biyernes (Sabado sa Pilipinas) na ginanap sa Oracle Arena, Oakland, California nang maitala ang iskor na 89-83 matapos ang game five sa NBA finals.

Hindi umubra ang 25-puntos na ipinamalas ni LeBron James ng Cavaliers.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagtala si Draymond Green ng 22-puntos at 15 rebound kung saan inilatag ng Warriors ang masikip na depensa sa kanilang tila NBA Finals rematch kontra Cleveland upang muling biguin ang Cavaliers, sa mismong araw ng Pasko.

‘’It’s good to have one of those every so often,’’ sabi ni 2014 MVP Stephen Curry. ‘’If our defense shows up, we’re in pretty good shape to win games. We just show our versatility and try to win different ways.’’

Nag-ambag si Curry ng 19-puntos habang si Klay Thompson ay may 18 upang itulak ang Warriors sa magandang 28-1 panalo-talong kartada at kanilang ika-32 diretsong panalo sa regular-season home game.

Imbes na ipakita ang kanilang kinatatakutang 3-pointers, pinanatili ng defending champion na Golden State ang kanilang bentahe sa depensa kontra sa Cleveland sa paglimita nito sa Cavaliers sa 32 percent shooting lamang.

Napigilan naman ang Warriors sa mababa sa kabuuang 100- puntos sa laro nito sa homecourt sa unang pagkakataon

matapos ang halos isang taon sa regular season. Nalimitahan lamang ito ng limang sa playoffs.

‘’It’s good to practice and get experience in that type of game as well where it’s low scoring, getting stops, knocking down free throws and executing in the half court,’’ sabi ni interim coach Luke Walton. ‘’It’s great experience for us.’’

Umiskor si LeBron James ng 25-puntos para pangunahan ang Cavaliers na napigilan ang anim na sunod na panalo.

“We gave ourselves a chance,’’ sabi naman ni James. ‘’If we play like that defensively, we’re going to be a very tough team to beat. Offensively, we just didn’t have it. No one had it.’’

Matatandaang, kulang ang Cavaliers nang mabigo sa finals kontra sa Warriors sa loob ng anim na laro matapos na mawala ang power forward ni Kevin Love sa buong serye mula sa shoulder injury at hindi nakasama ang point guard na si Kyrie Irving dahil sa knee injury sa huling bahagi ng unang laro.

Gayunman, bahagyang nakatulong ang dalawa para sa Cleveland para sa rematch nito kontra Golden State. Si Love ay mayroon lamang 10-puntos sa 5-for-16 shooting at si Irving ay sumablay sa kanyang 11 sa binitiwang 15 tira para mag-uwi ng 13-puntos.

Nahulog ang Cleveland sa kabuuang 19-8 panalo-talong kartada.

Samantala, ibinaling ng Chicago Bulls ang galit mula sa tatlong sunod na kabiguan at pagkabingit sa pagkatalsik matapos nitong gamitin ang kanilang emosyon upang itala ang pinakamatinding panalo sa season.

Nagtala si Jimmy Butler ng 23- puntos habang si Pau Gasol ay may 21- puntos at 13 rebound upang iuwi ng Bulls ang 105-96 panalo kontra sa Oklahoma City Thunder.

Lubhang naging pisikal ang laro na kinatampukan ng ilang maiinit na tagpo bago nagawa ng Bulls na talunin sa rebound ang No. 2 rebounding team sa NBA na Thunder, 53-48.

‘’We’ve just got to go out there and attack,’’ sabi ni Chicago forward Taj Gibson, na nakakuha ng double technical kontra kay Oklahoma City Serge Ibaka. ‘’It’s no time to be friends with anybody right now. We’ve got enough friends in here. We’re with each other 24-7. We can’t go out there and look to be nice to everybody.’’

Umangat ang Chicago sa 16-11 panalo-talong kartada habang ang Oklahoma ay may 20-10 kartada. (Abs-Cbn Sports)

(ANGIE OREDO)