Tiniyak kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos na mahahakot ang mga basura sa Metro Manila simula sa pagsalubong sa Pasko hanggang sa Bagong Taon.

Ayon kay Carlos, mas maigting ang pag-iikot ng mga truck ng basura ng MMDA sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang kolektahin ang mga basura partikular sa mga nakatambak sa gilid ng kalsada.

Katuwang ng MMDA ang mga lokal na pamahalaan sa regular na pangongolekta ng mga basura na nakatokang maghakot ang kanilang mga dump truck sa mga nasasakupang barangay at lugar.

Taun-taon, tone-toneladang basura mula sa iba’t ibang plastic, styrofoam, gift wrapper, karton, lata, pinagbalatan ng mga pailaw at paputok at iba pa, ang nahahakot sa mga kalsada sa Metro Manila simula sa Pasko hanggang sa Bagong Taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinapayuhan ng MMDA ang publiko na maging disiplinado sa pagtatapon ng basura at panatilihin ang wastong paghihiwalay sa mga nabubulok at hindi nabubulok na basura para sa kalinisan ng kapaligiran. (Bella Gamotea)