Si Kevin Love (#0) ng Cleveland Cavaliers ay naishoot ang bola sa kabila ng mahigpit na depensa ng New York Knicks noong Disyembre 23, 2015 sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio.  Photo by Gregory Shamus/NBAE via Getty ImagesLalo pang sumaya ang Pasko ng Cleveland Cavaliers nang talunin nila ang New York Knicks sa iskor na 91-84, noong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nagtala si Kevin Love ng 23 puntos at 13 rebound samantalang nagdagdag si forward LeBron James ng 24 na puntos, 9 na rebound at 5 assist, upang pamunuan ang Cavaliers sa 91-84, panalo.

Naglaro ang Knicks kahit wala si Carmelo Anthony at halos nakabawi sila sa kabiguan sa 23 puntos at 13 rebound mula kay rookie Kristaps Prozingis.

Ang Knicks ay nakaungos mula sa 11 puntos at naunang namuno mula kay forward Lou Amundson sa 11 minuto subalit nawala sa wisyo si Porzingis sa fourth quarter.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang Cavalier guard na si Kyrie Irving ay naglaro sa loob ng halos 20 minuto sa kanyang second game mapinsala ang kanyang tuhod, gayunman, nakapagtala ito ng 5 puntos at 4 na assist sa 1-of-7 shooting.

Nilimitahan ng Cavaliers ang Knicks sa 39 porsyentong shooting at nagkaroon ng tsansang umalagwa sa pinal na minuto.

Nakabalik naman sa aksiyon si Cavs guard Mo Williams makalipas ang isang linggong pagkawala dahil sa sprainded right thumb nito.

“I’ll be happiest when we see a full roster that’s entirely healthy, but it feels good,” ayon kay Blatt. “We’ve been waiting for this.” - ABS-CBN sports