Anderson Silva

Babalik na muli si Anderson Silva sa UFC sa Pebrero 27 sa susunod na taon matapos ang isang taong suspensiyon dahil sa paggamit ng steroid.

Ito ang kinumpirma kahapon ni UFC President Dana White. Inihayag nito na ang 40-anyos na middleweight champion ay nakatakdang harapin si Michael Bisping sa O2 Arena sa London.

Ang kanilang laban ay mapapanood lamang sa Fight Pass, ang digital subscription service ng UFC.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Si Silva ay naging kampeon ng UFC 185-pound sa loob ng halos pitong taon hanggang sa matalo ito ng dalawang beses ni Chris Weidman noong 2013, kung saan nabali ang kanyang binti sa pangalawa nilang laban.

Si Silva ay bumalik noong Enero 31 para sa decision victory kontra kay Nick Diaz sa UFC 183, subalit ito ay sinuspinde ng Nevada Athletic Commission makaraang magpositibo sa paggamit ng steroid.

Si Bisping (27-7) at Silva ay kapwa sumali sa UFC noong 2006, subalit hindi pa rin sila nagkakatagpo sa ring.

ESPN.com