Patay ang isang 63-anyos na babae matapos paulanan ng bala ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang minamaneho niyang sports utility vehicle (SUV) sa Ortigas Avenue, San Juan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Roberto Alanas, officer-in-charge ng San Juan City Police Station, ang napatay na si Susan Tan Uy, ng 012 Mariposa Street, Horseshoe Village, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pamamaril dakong 7:30 ng umaga sa panulukan ng Wilson Street at Ortigas Avenue.

Napag-alaman ng pulisya na sakay ang biktima at kanyang kaibigang babae sa Toyota RAV4 (PHQ-252) nang dikitan ang kanilang sasakyan ng motorsiklo ng mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matapos ang ilang segundo ay bumunot ng baril ang nakaangkas sa motorsiklo at ipinutok sa driver side ng sasakyan, na roon nakaupo si Uy. Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang kasama ng biktima.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa ulo at dead on arrival sa Cardinal Santos Hospital, dakong 8:44 ng umaga.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang apat na basyo ng bala.

Patungo sina Uy sa isang botika upang bumili ng gamot at bulaklak nang mangyari ang pamamaril. - Francis Wakefield