NILAGDAAN na ni Pangulong Benigno Aquino ang P3.002-trillion national budget para sa 2016.

Sa nasabing budget para sa 2016, inaasahan ang mas maraming proyekto at serbisyo ang makukumpleto sa susunod na taon.

Nanawagan din ang congress leaders sa agarang paglagda ng House Bill 5842 na magkakaloob ng P2,000 dagdag sa pension ng Social Security System (SSS) members.

Oras na para sa mas mataas at hindi kakarampot na SSS pension.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon sa Pangulo, ang paglagda sa General Appropriations Act (GAA) sa tamang panahon ay makakatulong sa gobyerno para sa patuloy na serbisyo sa mga Pilipino at maabot ang inclusive growth.

Maunlad na ekonomiya para sa lahat, lalung-lalo na sa mahihirap.

“Our dream is clear: Inclusive growth,” kung kaya’t mas sisikapin natin ang mas mas sistematikong konsultasyon sa mga tao upang madetermina ang proyektong kinakailangang pondohan, ayon kay Pangulong Aquino.

Yes para sa “better priorities.”Yes to “inclusive” at hindi elusive na pangarap.

Sa susunod na taon, sinabi ng Presidente na ang Department of Education ay tatanggap ng pinakamalaking budget na aabot sa P436.5 bilyon para sa pagpapagawa ng 47,553 silid-aralan, 103.2 milyong bagong libro, at pagkuha ng 79,691 teaching at non-teaching personnel.

Yes para sa educational investment at well-educated na mga Pilipino.

Sinabi rin ni Aquino na may nakalaang P62.7 billion pondo para sa poverty-alleviation program, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, upang matulungan ang 4.6 milyong beneficiaries.

Makakatanggap din, ayon sa Presidente, ang Department of Public Works and Highways ng P400.4-billion budget upang pataasin ang infrastructure investments sa 5% mula sa 4%.

Idinagdag din ni Aquino na nakatanggap ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund ng P38.9 bilyon upang ihanda ang bansa sa magiging epekto ng climate change.