Nicolas copy

NEW YORK (Reuters) – Nagdesisyon si Nicolas Cage na ibalik sa U.S. authorities ang binili niyang nakaw na dinosaur skull sa halagang $276,000 upang maisauli ito sa Mongolian government.

Sa opisina ni Preet Bharara, ang U.S. attorney sa Manhattan, may naghain ng civil forfeiture complaint noong nakaraang linggo tungkol sa pag-aari ng Tyrannosaurus bataar skull, na nakatakdang ibalik sa Mongolia.

Hindi nabanggit sa nasabing reklamo ang pangalan ni Cage bilang may-ari, ngunit kinumpirma ng publicist ni Cage na binili ng aktor ang skull noong Marso 2007 sa isang Beverly Hills gallery, I.M. Chait.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi inaakusahan ng masama ang National Treasure actor, at sinabi ng mga awtoridad na boluntaryo niyang ibinalik ang skull matapos malaman ang problema.

Sinabi ni Alex Schack, publicist ni Cage, sa isang email na ang aktor ay nakatanggap ng certificate of authenticity mula sa nasabing gallery at unang tinawagan ng U.S. authorities noong Hulyo 2014, nang ipaalam sa kanya ng Department of Homeland Security na ang skull ay maaaring ninakaw bago niya mabili.

Nang malaman ni Cage sa mga imbestigador na ninakaw ang skull bago niya ito nabili ay nagdesisyon siyang ibalik ito, ayon kay Schack.

“Each of these fossils represents a culturally and scientifically important artifact looted from its rightful owner,” pahayag ni Bharara noong isang linggo.