CONCEPCION, Tarlac - Namatay ang driver ng isang motorsiklo matapos makabanggaan ang isang Solid North air-conditioned bus sa Concepcion-Capas Road sa bayang ito, na ikinasugat ng dalawang iba pa.

Sa imbestigasyon ni PO2 Regie Amurao, ang namatay sa salpukan ay si Jonarch Christian Lacsamana, 18, habang ang mga nasugatan ay sina Benzlee Suba, 18; at John David Feliciano, 17, kapwa ng Jefmin Village, Concepcion, Tarlac.

Nakabanggaan ng motorsiklo ni Lacsamana ang bus (CXT-954) na minamaneho ni Fidel Junio, 42, may asawa, ng Barangay Sta. Lucia, Moncada, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog