DIREK TONET_PLEASE CROP copy

NAPAPANGITI si Direk Antoinette Jadaone nang iparating namin sa kanya ang pambubuking ni Kris Aquino sa estilo niya sa pagdidirek at kung ilang beses niyang ipinaulit ang mga eksena ng Queen of All Media kapag hindi nito sinusunod ang dialogs sa kanilang MMFF entry na All You Need is Pag-Ibig.

 

Ikinuwento rin naming maging ang shoot nila kasama ang King of Talk na si Boy Abunda na naloka naloka rin kay Direk Tonet dahil inabot ng 4:30 ng madaling araw ang shoot nila.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“Ayoko po kasi na hindi sinusunod ang script,” sabi ni Direk Tonet, “saka kaya ko ‘pinauulit kasi Kris na Kris kasi. Eh, hinihiwalay ko nga ‘yung karakter niya as Love sa movie sa totoong buhay kaya ko po ‘pinauulit. Stick po kasi ako sa story.”

 

Binanggit naming, ‘Istrikto ka pala, Direk, akala ko hindi tulad ng usapan natin noong nainterbyu kita.”

 

“Depende po kasi, ‘pag work, work talaga,” mabilis na tugon sa amin.

 

‘Kaloka, hindi halatang tigasin pala sa set si Direk Tonet kasi nakangiti lang, low profile, mahiyain, malumanay at hindi masyadong nagsasalita kaya akala ko tuloy, oye-oye lang.

 

Kung ikukumpara kina Direk Olive Lamasan, Rory Quintos, Cathy Garcia-Molina, Joel Lamangan, Wenn Deramas at iba pang malalakas ang personalidad at matigas magsalita, milya-milya ang layo ni Direk Antoinette Jadaone sa kanila, pero pagdating pala sa trabaho, puwede siyang ihilera.

 

Sabagay, nabanggit na rin ni Direk Tonet sa isang interview na wala siyang pakialam kung sikat o malaking artista ang katrabaho niya nang tanungin siya kung paano niya nabigyan ng equal exposure ang mga artista niya sa All You Need is Pag-Ibig na mapapanood na simula bukas.

 

Ayon kay Direk Tonet, “Mas faithful ako doon sa story kesa mag-focus sa kung sino ang dapat paboran na artista. Hindi komo sikat ‘yung artista, dapat mas marami ang exposure. Sincere ako sa story.”

 

O, ha? Ano’ng masasabi mo, Bossing DMB? Kaya pala hindi umubra ang pagiging brat ni Kris, ha, ha-ha-ha.

 

Samantala, si Direk Tonet ang sumulat ng istorya ng #Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado kaya binati siya ng lahat sa advance screening noong Martes. Agad naman niyang sinabi na, “Ay, hindi po ako dapat ang batiin ninyo, sabay turo kay Direk Dan Villegas.”

 

In fairness, umalis kaagad si Direk Tonet dahil ayaw niyang makihati sa limelight for Direk Dan. Nakatutuwa dahil hindi siya nakihati sa credits ng #Walang Forever. (Reggee Bonoan)