Bumaba ng dalawang puwesto ang Pilipinas sa listahan ng Forbes para sa “Best Countries for Business” ngayong 2015.

Mula sa ika-82 noong 2014, ang Pilipinas ay iniranggong ika-84 sa hanay ng 144 na bansa sa 2015 list ng Forbes.

Ang bansa ay ika-90 noong 2013.

Binanggit ng Forbes na nalagpasan ng Pilipinas ang global economic shocks nang mas maayos kaysa mga katabing bansa nito sa rehiyon dahil sa less exposure sa maligalig na international securities, mas mababang pagsandal sa export, relatively resilient domestic consumption, malaking remittance mula sa apat hanggang limang milyong overseas Filipino workers, at mabilis na lumalawak na outsourcing industry.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Pasok sa top 10 best countries for business para sa 2015 ay ang (1) Denmark, (2) New Zealand, (3) Norway, (4) Ireland, (5) Sweden, (6) Finland, (7) Canada, (8) Singapore, (9) Netherlands, at (10) United Kingdom.

Ang United States, ang financial capital ng mundo, ay bumaba ng apat na puwesto sa No. 22. Ang US ay ang pinakamalaking ekonomiya sa $17.4 trillion. Mababa ang score ng US sa monetary freedom at bureaucracy/red tape.

Sinukat ng Forbes ang Best Countries for Business sa pagbibigay ng grado sa 144 na bansa sa 11 iba’t ibang dahilan: property rights, innovation, taxes, technology, corruption, freedom (personal, trade and monetary), red tape, investor protection and stock market performance.

Ang bawat kategorya ay pantay na tinimbang. Nagmula ang data sa mga inilathalang ulat ng mga sumusunod na organisasyon: Freedom House, Heritage Foundation, Property Rights Alliance, Transparency International, World Bank Group at World Economic Forum. (Maricel Burgonio)