HINDI na inaasam ni Kris Aquino na mag-number one ang pelikula nilang All You Need is Pag-Ibig sa unang araw ng Metro Manila Film Festival, “ibigay na natin sa kanila,” aniya.
“Masaya to be the underdog,” sabi ni Kris sa intimate presscon na ipinatawag sa kanyang bahay. “Kasi, di ba, like English Only (Please), people had very, very small expectations about it but working people with a track record.
“Si Direk Tonet (Antoinette Jadaone) kasi, di ba, they say (luck) comes in threes like That Thing Called Tadhana, You’re My Boss, sana ito (All You Need is Pag-ibig) ‘yung pangatlo, ‘Tapos siyempre huwag nating kakalimutang mas lalo pang nakilala ‘yung trabaho niya dahil sa On The Wings of Love.
“Alam ko na this project is not about me, is not about the stars, it’s really the showcase project of our director as it should be.”
Ibinuking ni Kris kung anong klaseng direktor si Antoinette Jadaone.
“Si Boy Abunda (TWBA show) akala niya dumaan lang ‘yung kamera, ginawa namin ‘yung buong show. Na-shock si Boy kasi nag-start kami ng 12:45 PM, si Direk Tonet, eight different angles, three cameras ang ginamit, natapos kami, 4:30 in the morning. Si Boy Abunda sinabi talaga na, ‘Hindi ko na iki-criticize ‘pag kayong mga artista lutang, naiintindihan ko na kung bakit.
“And she (Direk Tonet) doesn’t give-up until she gets what she wants, she’s a perfectionist. Parang malalaman mo talaga na imposibleng hindi maging maganda ang edit nito kasi lahat ng kakailanganin nila to make the story complete ay walang anggulong na-miss out including nakatalikod ka lang, paa pa lang kinunan pa rin.
“So, si Boy talaga, ‘I can’t na…’. ‘Tapos sabi niya, ‘are we done?’ sabi ko, ‘konti na lang’. ‘Tapos sabi ni Direk, ‘Tito Boy, isa na lang’, ‘tapos tumayo na si Boy sabi niya, ‘Ay, may reverse’. Talagang si Boy nawindang, pero maganda, promise,” detalyadong kuwento ni Kris tungkol sa baguhan pero magaling na direktor.
At dahil dito, tinanong ni Bossing DMB si Kris kung hindi ba sila nagkaroon ng conflict ni Direk Tonet. Kilala ang TV host/actress na dating may tantrums kapag pagod na at paulit-ulit ang ipinagagawa sa kanya.
“Kasi obedient ako, you can ask anybody on the set. Sa promo hindi obedient, kaya pinag-awayan talaga (nila ng Star Cinema ad-prom people). And sa show ko (KrisTV) hindi rin ako obedient, pero ‘yung training ko talaga maybe because bata ako nag-start as an artista, so the director is king.
“Sa rami po ng commercials na nagawa ko, minsan 30 takes, hindi ka dapat umalma, kaya ganu’n ang ano ko sa mga director, oo, and she is so strict! You think she’s not, but she is! Because she’s a writer.
“May tendency ako na gusto kong mag-inject ng sarili ko, eh, di nati-take 5 ako, ‘pinapatanggal ‘yung sinabi ko. Sabi niya, ‘No, Ms. Krissy, stick to the line please’. Kasi may vision siya, eh, so galangin mo ‘yung vision,” natatawang kuwento ni Kris.
Tinanong din siya ni Bossing DMB kung hindi siya nagreklamo sa shooting kahit nagkasakit na siya.
“Ay, nagreklamo ako nang bonggang-bongga kasi nahiya ako because, limang portion by (KrisTV) ‘yung naghintay. ‘Tapos natakot ako na baka umatras sila, eh, umaasa ang KrisTV family kasi may dagdag naman sa kanila. ‘Tapos mayroon ‘yung mga regular co-host ko na additional talent fees, so nahihiya talaga ako na ma-sad (ang KrisTV staff) kasi inasahan na nila for Christmas.
“’Yun ‘yung truth, I think, na when you’re shooting a movie, especially for the filmfest, it’s not realistic to do anything else but that just that,” sagot ni Kris. (REGGEE BONOAN)