Pinatawan sina FIFA president Sepp Blatter at Uefa boss Michel Platini ng walong taong suspensiyon sa lahat ng larong may kaugnayan sa football makaraang ilabas ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa kinasasangkutang bribery at corruption.

Samantala, nangako naman si Platini noong Lunes na ihahain niya sa korte upang labanan ang ipinalabas na desisyon ng independent Ethics Committee sa world football body, FIFA na nagsuspinde sa kanya ng walong taon at inilarawan niya itong “pure masquerade.”

Sina Platini at Sepp Blatter, ang dating presidente ng FIFA na umaapela rin sa naging desisyon, ay parehong pinagbawalan at pinagmulta kaugnay sa 2 milyong Swiss franc payment na iginawad ng FIFA kay Platini noong 2011, na noon ay humihiling ng re-election si Blatter.

Hanggang sa masuspinde noong Oktubre, si Platini ang naging paborito upang palitan si Blatter bilang FIFA president sa eleksiyong gaganapin sa darating na Pebrero.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The decision is no surprise to me: the procedure initiated against me by FIFA’s ethics committee is a pure masquerade,” ang banggit pa ni Platini sa isang pahayag.

“It has been rigged to tarnish my name by bodies I know well and who for me are bereft of all credibility or legitimacy.”

Ayon kay Platini, malinis ang kanyang konsensiya at hinahamon niya ang naging desisyon ng Court of Arbitration for Sport at maghahain ito ng danyos sa civil proceeding.

“I will fight this to the end,” dagdag pa nito.

Sina Platini at Blatter ay napatunayang guilty sa paglabag at kaugnay sa $2 milyong “disloyal payment” na iginawad kay Platini noong 2011. (Abs-Cbn Sports)