Patuloy ang pagtutok ng Chiang Kai Shek sa pagdedebelop at paghahanda sa mga kabataang nais magtagumpay para sa kanilang kinabukasan sa pagtuturo hindi lamang ng magandang kaugalian kundi pati sa paghubog bilang mahuhusay na batang atleta.

Ito ang dahilan ni Chiang Kai Shek coach Goldwin Monteverde sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate sa kanilang matagumpay na kampanya sa katatapos lamang na 2015 Philippine Secondary Schools Championships.

“We had a program that we followed where hindi lamang namin kinukuha ang mga players na may talent kundi isa sa basehan din ang kanilang behavior at pagnanais nilang magtagumpay,” sabi ni Monteverde.

Kasama ni Monteverde sa forum ang miyembro ng koponan at Batang Gilas na sina Jonas Tibayan, Miguel Jocson, Sam Banez, Joshua Ramirez at Don Lim. Tinanghal na 4th PSSBC Finals MVP si Jocson habang Most Outstanding si Banes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Mythical Team naman si Tibayan.

Unang tinalo ng Chiang Kai Shek ang nakasama sa grupo sa eliminasyon na Mapua at Adamson bago binigo ang Lyceum sa quarterfinals. Sunod nitong binigo ang San Beda sa semifinals bago inangkin ang titulo matapos pataubin ang De La Salle-Zobel.

Ilan sa napanalunang torneo ng Chiang Kai Shek ang Passerelle at ang NBTC. (Angie Oredo)