TARLAC CITY - Isang binata, na pinaniniwalaang nakursunadahan sa isang computer shop, ang natagpuang patay sa irrigation canal ng Sitio Centro, Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Ayon kay PO2 Julius Apolonio, pinatay sa saksak si Ray Michael Garcia, 32, binata ng Bgy. Binauganan, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng bahay ang biktima dakong 7:00 ng gabi at nag-Internet sa isang computer shop sa kanilang lugar pero hindi na ito nakauwi.

Nabigla na lang ang ilang residente sa Sitio Centro nang madiskubre nilang nakalublob ang katawan ni Garcia sa irigasyon at pinaniniwalaang kinursunadang saksakin. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog