Arestado ang isang lalaki, na pinaniniwalaang nakaranas ng matinding depresyon, makaraang sunugin ang may 30 bahay sa Quezon City, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon.

Nakapiit ngayon sa Kamuning Police Station 10 si Antonio Rudio, ng Forest Hill Compound, Barangay Central, Quezon City matapos kasuhan sa korte ni QC Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez ng kasong arson.

Naburyong umano si Rudio makaraang abandonahin ng pamilya at dumanas siya ng depresyon at nawala sa sarili kaya binuhusan ng gasolina ang kanyang bahay sa No. 226 Forest Hill Compound sa Barangay Central dakong 2:30 ng hapon, kamakalawa.

Umabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na umabot ng fifth alarm.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon sa arson probers, malinaw na sinadya ni Rudio na sunugin ang kanyang bahay na agad na kumalat sa mga kalapit na istruktura.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente. (Jun Fabon)