Nangako ang tubong Negros Occidental na si WBO No. 1 contender Warlito Parrenas na gagamitin niya ang mahabang karanasan sa boksing para talunin ang bagitong Hapones na si WBO super flyweight champion Naoya Inoue sa kanilang sagupaan sa Disyembre 26 sa Ariake Colesseum sa Tokyo, Japan.

Huling lumaban si Parrenas sa Hermosillo, Sonora, Mexico para sa WBO super flyweight title eliminator ngunit naging kontrobersiyal ang resulta nang magtabla sila sa loob ng 12 rounds ni WBO Latino champion David Carmona kaya malinaw na hometown decision ang nangyari pabor sa Mexican noong Hulyo 4, 2015.

Unang naging kampeong pandaigdig si Inoue sa kanyang ikaanim na laban nang talunin niya sa 6th round TKO si Mexican Adrian Hernandez para masungkit ang WBC light flyweight title noong Abril 6, 2014 sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

Umakyat si Inoue ng timbang para agawin ang WBO super flyweight crown via 2nd round knockout sa matagal na kampeong si Omar Andres Narvaez ng Argentina noong Disyemre 30, 2014 sa Metropolitan Gym sa Tokyo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May kartada si Inoue na perpektong 8 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts samantalang taglay ni Parrenas na kasalukuyang WBO Oriental super flyweight titlist ang kartadang 24-6-1 win-loss-draw na may 21 panalo sa knockouts.

(Gilbert Espeña)