Nasungkit ni NLEX forward Sean Anthony ang ikalawang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award ngayong season matapos magtala ng kanyang season career performance kontra powerhouse Rain or Shine noong nakaraang weekend sa Smart Araneta Coliseum.

Ang undersized NLEX “four-man” ay nagtala ng bagong PBA career-high matapos makakuha ng 37-puntos bukod pa sa 6 na rebound, 5 assist at 1 steal upang pangunahan ang Road Warriors sa pag-unsiyami sa target ng Rain or Shine na top two spot at outright semifinal berth sa pamamagitan ng 111-106 panalo.

Ang dating McGill standout ay nagpakita ng kanyang best performance sa final period kung saan nito isinalansan ang 13-puntos ng kanyang kabuuang output kabilang na ang huling 8-puntos ng NLEX para makumpleto ang kanilang pagbalikwas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan.

“Sean is a valuable piece in our system because he can play multiple positions, plus yung binibigay niya is intensity inside the court na nadadala niya sa teammates niya,” pahayag ni NLEX coach Boyet Fernandez.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinalo ni Anthony na nagtala ng career-best stats line na 20.5-puntos, 11.5 rebound, 3.7 assist at 1.1 steal sa loob ng 34.5 minuto sina Barangay Ginebra center Greg Slaughter at Blackwater veteran playmaker Mike Cortez para sa lingguhang citation.

Papasok ang NLEX sa quarterfinals na seventh seed, kung saan makakatapat nila ang sister team Talk ‘N Text (6th seed) sa Disyembre 26 sa Mall of Asia Arena. (Marivic Awitan)