May maagang aguinaldo para sa mga motorista ilang araw bago ang Pasko.

Magpapatupad muli ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo 6:00 ng umaga sa Disyembre 22 ay magtatapyas ito ng P1.75 sa presyo ng kada litro ng diesel, P1.20 sa kerosene, at 10 sentimos sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Disyembre 15, nagtapyas ang Shell ng P1.45 sa presyo diesel at kerosene habang 60 sentimos naman sa gasolina nito. (Bella Gamotea)