SHENZHEN, China (AP) — Pinaghahanap ng mga rescuer noong Lunes ang 91 kataong nawawala isang araw matapos gumuho ang bundok ng hinukay na lupa at construction waste at ibinaon ang ilang gusali sa lungsod ng Shenzhen sa China.

Sinabi ng official Xinhua News Agency ng China na ibinaon o sinira ng gumuhong lupa ang 33 gusali sa isang industrial park sa Shenzhen sa Guangdong province sa hangganan ng Hong Kong.

Sinabi sa mga post sa microblog na lubusang binalot ng putik ang mga gusali at napakaliit ng tsansang may mabubuhay pa sa mga nabaon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture