Sa kabila ng matinding baha sa Bulacan, tiniyak ni Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado na nananatiling ligtas ang produktong karne na nanggagaling sa probinsiya.

Sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office, sinabi ni Alvarado na regular na iniinspeksiyon ang mga pamilihang bayan upang masiguro na hindi kontaminado ang mga ibinebentang karne mula sa Bulacan.

“Buong taon nating ipinaiiral ang meat safety at lalo nating pinaiigting ang pagbabantay para hindi makapagbenta ng mga ‘botcha’ o hindi ligtas na kainin na karne sa ating mga pamilihan, ani Alvarado.

Aniya, nagsasagawa ng “spot-checking” si Provincial Veterinarian Dr. Voltaire Basinang at mga eksperto mula PVO upang matiyak na malinis ang pagpoproseso ng karne sa mga katayan at pamilihang bayan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod dito, regular ding pinupulong ng mga lokal na opisyal ang mga meat inspector at market master upang talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa industriya ng karne.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala ng pamahalaang panglalawigan sa pag-alalay sa 39,849 na pamilya mula sa Calumpit, Hagonoy, Pulilan, Norzagaray, at San Miguel na matinding naapektuhan ng baha bunsod ng “back floods” mula sa Nueva Ecija at Pampanga. (Freddie C. Velez)