NAIROBI (AFP)— May 75 katao ang namatay sa ilang linggong protesta sa Ethiopia kung saan pinagbabaril ng mga sundalo at pulis ang mga demonstrador, sinabi ng Human Rights Watch noong Sabado.

“Police and military forces have fired on demonstrations, killing at least 75 protesters and wounding many others, according to activists,” sinabi ng HRW sa isang pahayag.

Nagsimula ang mga protesta noong Nobyembre nang tutulan ng mga estudyante ang panukala ng gobyerno na pamahalaan ang ilang teritoryo sa Oromia region, nagbunsod ng mga pangamba na binabalak ng Addis Ababa na agawin ang mga lupaing okupado ng mga Oromo, ang pinakamalaking ethnic group ng bansa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina