Kyrie Irving
Kyrie Irving
Maglalaro na muli ang isa sa kanilang star player na si Kyrie Irving sa nakatakdang laban ng koponan kontra Philadelphia 75ers ngayong Lunes (Linggo sa US) mula sa kanyang pagpahinga bunga ng injury sa tuhod noong nakaraang Hulyo.

Mismong si Irving ang nagpahayag ng kanyang pagbabalik sa aksiyon noong nakaraang Sabado sa US sa kanilang home game kontra Sixers makaraan ang mahaba-haba ring pamamahinga at rehabilitasyon na kanyang pinagdaanan matapos magtamo ng fracture sa kanyang kneecap sa nakaraang kabiguan nila sa Finals sa kamay ng Golden State.

“I’m pretty … excited,” ani Irving . “There were a few things I had to clear, but there was no rush on it. … I’ve been ready to play, but biomechanically we just wanted to make sure everything was good so I wouldn’t put myself at risk.”

Ayon kay Cavs coach David Blatt, maingat nilang babantayan ang game time ni Irving, ngunit tiniyak nitong ilalagay nila ito bilang starter.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Irving ang isa sa bumubuo sa tinaguriang “Big Three”ng Cleveland kasama nina LeBron James at Kevin Love.

Noong nakaraang season ay nagposte ito ng average na 21.7- puntos kada laro bukod pa sa 5.2 assist at 3.2 rebound.

Subalit sa kabila ng hindi niya paglalaro sa panimula ng season, nangunguna pa rin ang Cleveland sa Eastern Conference na may 17 panalo sa unang 24 nilang laro.

Samantala, umiskor si Carmelo Anthony ng 27-puntos upang itulak ang New York Knicks sa pagpapalasap muli ng kabiguan sa hinahapo ng Chicago Bulls, 107-91, sa laban nila noong Sabado ng gabi para sa ikaapat nitong sunod na panalo sa makasaysayang Madison Square Garden.

Iniangat ng New York ang kabuuang kartada sa 14-14 panalo-talo habang nahulog ang Chicago sa 15-10.

Gayunman, kinailangan muna ni New York coach Derek Fisher na gulantangin ang Knicks mula sa 10-puntos na pagkakaiwan kontra sa pagod na Bulls upang maitakas ang importanteng panalo.

Ang Chicago Bulls, na kagagaling lamang sa matinding apat na overtime na laro ay hindi nakayanan ang laban.

Isang gabi matapos ang mahabang pagkatalo sa Chicago, maganda pa ang naging pagsisimula ng Bulls hanggang sa ikatlong yugto bago na lamang tumiklop at ibigay ang laban sa Knicks.

Nagdagdag si Arron Afflalo ng 18- puntos para sa New York na napaganda ang rekord sa 14-14 panalo-talo matapos na magwagi lamang sa 17 laro noong nakaraang taon. Si Lance Thomas ay umiskor ng 13 off the bench.

Nanguna si Joakim Noah sa itinala nitong season-high 21- puntos para sa Bulls sa unang pinakaunang pagsisimula sa season. Ang rookie forward na si Bobby Portis ang pinakamaganda ang laro sa kanyang nagsisimulang career sa itinalang 20-puntos at 11-rebound.

Matatandaan na kagagaling lamang ng Bulls’ sa 147-144 kabiguan sa laban na inabot ng apat na overtime sa kanila mismong homecourt kontra sa Detroit at eksaktong 20 oras bago sumabak sa Madison Square Garden.

Angie Oredo/ AP