Kapwa nag weigh-in na sina undefeated Genesis Libranza ng MP Davao Stable at ang kalaban nito na si Renerio “Amazing” Arizala ng Manila noong Biyernes para sa naganap na laban nila kahapon sa Panabo gym, Panabo City.

Si Libranza ay tumimbang ng 110 pounds samantalang si Arizala ay tumimbang ng 113 lbs.

“It’s okay because their catch weight is 112 lbs.,” ayon it okay Games and Amusements Board (GAB) Davao officer-in-charge Arlene Olondriz sa weigh-in na ginanap sa Royal Mandaya Hotel.

Ayon sa 22-anyos na si Libranza (8-0-0), na nakakalap siya ng maraming karanasan mula sa mga nakaraan niyang laban kung saan nakumpleto niya ang kabuuang 10-rounds at naipanalo niya ito via unanimous decision kontra kay Michael Rodriguez noong Setyembre 6, sa Labangal, General Santos City.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Samantala, si Arizala naman ay 21-anyos pa lamang subalit mas marami pang karanasan kesa kay Libranza. Si Arizala na tubong Masbate, ay mayroon nang nakuhang 13 panalo, dalawang talo at isang tabla. Siya ay nanalo sa kanyang huling laban via technical decision laban kay Romnick Magos noong Hulyo 31 sa Cuneta Astrodome, sa Pasay City.

Si Arizala ay nasungkit ang bakanteng titulo na LuzProba flyweight via unanimous decision kontra kay JC Francisco noong Mayo 25, 2014 sa Rizal.

“Pero malaki ang respeto ko kay Libranza bilang isang boksingero. Gagawin ko na lang ang lahat sa itaas ng ring (I have big respect on Libranza as a boxer. I will just do everything on top of the ring),” ang pahayag ni Arizala.

Ang ginanap kagabing laban ng dalawa ang siyang main event sa second staging ng Blow-by-Blow Reloaded ng 8-time division world champion Manny Pacquiao. (PNA)