121815_eus4 copy new

Mga laro ngayon

MOA Arena

3 p.m. Blackwater vs. Mahindra

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

5:15 p.m. Ginebra vs. Talk ‘N Text

Target ng Ginebra at Talk ‘N Text.

Maagaw sa Globalport ang ika-apat na puwesto sampu ng kaakibat nitong insentibong twice-to-beat papasok ng quarterfinals ang target kapwa ng Barangay Ginebra at Talk ‘N Text sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro ngayong hapon sa pagtatapos ng elimination round ng 2016 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay Citry.

Kasalukuyang nakabuntot sa Batang Pier ang Kings at Tropang Texters na naiiwan lamang ng isang panalo ng una sa taglay nilang barahang 6-4, panalo-talo.

Alinman sa Ginebra at Talk ‘N Text ang magwagi, madidispatsa nila ang Globalport sa ika-apat na puwesto dahil base sa format, lahat ng team na magtatabla sa posisyon ay babasagin ang tie sa pamamagitan ng winner-over the other rule.

Tinalo ng Ginebra ang Batang Pier noong nakaraang Nobyembre 25 sa iskor na 85-70 habang ginapi din sila ng Tropang Texters noon lamang Disyembre 18 sa iskor na 107-96.

“Target talaga namin is yung twice to beat. Hopefully, Mo (Tautuaa) will be ok on Sunday,” pahayag ni TNT coach Jong Uichico na tinutukoy ang top rookie pick na si Moala Tautuaa na hindi nakalaro kontra Globalport dahil sa iniindang back spasm.

Sa panig naman ng Kings, inaasahan muli ng kanilang mga panatikong tagahanga ang ipinakitang “never say die game” sa nakaraang came from behind win kontra NLEX kung saan nagbida ang rookie na si Scottie Thompson na pinangunahang ibangon ang koponan mula sa mahigit 20-puntos na pagkakaiwan.

Samantala sa unang laban, pag-aagawan naman ng Blackwater at Mahindra ang pangwalo at huling quarterfinals berth sa kanilang pagtutuos ganap na alas-3.

Magkasalo ngayon sa ika-10 puwesto ang Elite at ang Enforcers na kapwa may barahang 2-8, panalo-talo.

Ang magwawgi sa dalawang koponan ang siyang makatutunggali ng papasok na no.3 team habang ang matatalo ay magbabakasyon ng maaga kasama ng Meralco. (MARIVIC AWITAN)