Umapela si Vice President Jejomar Binay, standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA), sa mga kandidato sa 2016 elections na itigil muna ang bangayang pulitika habang papalapit ang Pasko.

“Puwede ba ho na tigilan na ang paninira? Tigilan na ho ‘yung pagsisinungaling, tigilan na ho ‘yung nagpepersonalan, doon ho sa pagkakahati-hati,” pahayag ni Binay sa panayam sa General Santos City.

Ayon sa pangalawang pangulo, ang kanyang Christmas wish ay “kapayapaan.”

“Kita mo naman, ‘yung NPA may ceasefire, pati ang pamahalaan. Sana sa larangan ng pulitika ay may ceasefire din.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Dapat ang magprevail ay peace,” natatawang pahayag ng kandidato sa pagkapangulo.

Umapela si Binay sa gitna ng umiinit na bangayan nina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan.

Nagkainitan sina Roxas at Duterte nang kuwestiyunin ng huli ang educational attainment ng dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa prestihiyosong Wharton School of Pennsylvania University na natuloy sa hamunan ng sampalan, suntukan, at barilan.

Iginiit naman ni Binay na wala siyang pinatatamaan sa kanyang apela sa political ceasefire. (ELLSON QUISMORIO)