PASUQUIN, Ilocos Norte — Patay ang isang dating pulis na kumakandidatong sangguniang bayan nang tambangan sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Pasuquin Municipal Police Station (PMPS), kinilala ang biktima na si Salvador Castillo, dating chairman ng Bgy. Dilavo, ng nasabing bayan. Namatay siya habang ginagamot sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital bunga ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Naganap ang krimen kamakalawa ng gabi sa national highway ng nasabing barangay. Pauwi na ang biktima nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin. (Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog