Nagpahayag si Mohagher Iqbal, ang chief negotiator ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Miyerkules na patuloy silang makikipagnegosasyon sa gobyerno upang isulong ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na itinuturing nilang behikulo para matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ni Iqbal, sumusubaybay sa progreso ng panukalang batas sa House of Representatives, na “sick and tired” na sila sa pakikipaglaban sa mga tropa ng gobyerno sa kabundukan.

“War is not an option,” ani Iqbal sa House reporters sa isang chance interview nang tanungin kung muli silang makikipagdigma sakaling ibasura ang BBL.

Sinabi niya na “[we] will cross the bridge when they get there” kapag hindi nakumbinse ang gobyerno na ipasa ang panukala.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The MILF is 100 percent optimistic that BBL will become law. We need to go to usual process and we are hopeful for the best,” diin niya.

Idinagdag niya na bukas sila (MILF) sa mga pagbabago at handang maghintay hanggang sa susunod na taon.

PNA