MAINE AT ALDEN copy

MATAAS pa rin ang demand kina Alden Richards at Maine Mendoza sa magazine cover at endorsements, kabaligtaran ito sa sinasabi ng iba na marami na ang nauumay sa AlDub love team.

Patunay ang pagiging sold out ng People Asia magazine na sila ang cover after only two days of release. Mga sosyalera ang majority sa bumibili at nagbabasa ng nasabing magasin at medyo mahal sa presyong P200, pero bumenta pa rin nang husto.

Nabasa ng fans ng AlDub ang announcement ng publication na, “Due to High Public Demand, People Asia December 2015 Issue immediately ran out of stocks. For Second Batch of Online Orders, Please stand by for further announcement.”

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Hanggang ngayon, may mga naghahanap pa rin ng Mega Man at Garage magazines na cover si Alden, ganoon din ang Meg na cover naman si Maine dahil naubusan.

Tuluy-tuloy pa rin ang dating ng offers ng endorsement sa AlDub love team at ang pinaka-latest na lumabas ay ang print ad ng Technomarine solo endorsement ni Alden. Hinihintay ang airing ng TVC ng shampoo endorsement din ni Alden.

Lumabas na rin ang TVC ng Lady’s Choice solo endorsement ni Maine at may isa pa siyang solo endorsement na hindi pa lumalabas at may mga darating pa.

Sa interview ni Jessica Soho, nabanggit ni Maine na nagugulat siya sa maraming offers na endorsement sa kanya.

“Nagugulat ako dahil every week may shoot ako ng endorsement. Dati, pangarap ko lang ito na nagkatotoo,” ani Maine.

Ang kulang na lang kina Alden at Maine ay ang pagiging box-office ng My Bebe Love sa MMFF, pero nangako ang Aldub Nation na gagawin nilang number one sa takilya ang pelikula, kaya tingnan natin! (Nitz Miralles)