Mistulang umatras sa direktang komprontasyon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa maaanghang na sagot sa kanya ng Daang Matuwid presidentiable na si Mar Roxas.

“Malinaw, hindi ko uurungan si Mayor Duterte sa kahit anong hamunan. Malinaw na hindi ako takot sa kanya at haharapin ko siya,” sabi ni Roxas.

Ilang araw nang nagpapalitan ng maaanghang na salita ang dating magkaibigan ngunit ngayo’y magkatunggali sa eleksiyon dahil ikinagalit ni Duterte ang pagbibigay ni Roxas ng datos mula sa Philippine National Police (PNP) tungkol sa mataas na insidente ng krimen sa Davao City.

Unang iginiit ni Roxas na pang-apat ang Davao City sa mga siyudad sa bansa na may pinakamataas na volume ng krimen, na 18,000 insidente ng krimen ang nailathala noong 2014.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Napilitan din si Duterte na aminin sa isang presidential forum sa DZMM.

“Correct! I do not deny that. Tanungin mo naman kung sino ang namatay,” sabi niya. Ayon sa kanya, hindi raw mahalaga ang mataas na insidente ng krimen dahil epektibo daw ang marahas na estilo ni Duterte “as long as ‘yung namatay ay dapat mamatay.”

Sinabi ni Duterte na hindi ito sisipot sa suntukan kay Roxas dahil may beke siya.

Maaalalang napahiya si Duterte dahil inakusahan niyang hindi totoong nagtapos si Roxas sa Wharton School of Economics ng University of Pennsylvania, ngunit mismong ang unibersidad ang nagpalabas ng pahayag na isa si Roxas sa mga graduate nito.

Hinamon ni Roxas si Duterte na pumunta sa bahay nito sa Cubao kung gusto niya talaga ng laban. Ang sagot ni Duterte sa hamong ito ay may beke siya, kasabay ng pagtangging hinamon niya ng barilan si Roxas. (Beth Camia)