DERRICK AT BEA copy copy

HINDI na sa Vampire ang Daddy Ko lang mapapanood sina Derrick Monasterio at Bea Binene dahil may gagawin silang bagong project na eere sa Afternoon Prime ng GMA-7.

Wala pang title ang afternoon soap at hindi pa inia-announce kung sinu-sino ang makakasama nina Derrick at Bea, sa direksiyon ni Laurice Guillen. Kinausap na ni Direk Laurice sina Derrick at Bea na parehong excited at kinakabahan to be working with her.

May tanong lang kami, akala namin primetime soap ang ibibigay kay Derrick? Bakit afternoon soap pala? Iyon ang napag-usapan. O baka naman ibang project ang primetime teleserye at gagawin ni Derrick after ng afternoon soap.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabagay, ‘yung sinasabing primetime na kasama si Derrick ay sa June or July 2016 pa naman gagawin. Bagay kay Derrick ang nasabing role at kahit siguro mag-audition siya, malaki ang posibilidad na siya ang mapili. (Nitz Miralles)