LOS ANGELES AP – Hindi ininda ng Los Angeles Clippers ang third quarter ejection ng sentrong si DeAndre Jordan nang kanilang pabagsakin ang Milwaukee Bucks, 103-90.
Nagtala si Chris Paul ng 21 puntos at 8 assists para pangunahan ang nasabing panalo ng Clippers.
Bago napatalsik sa labas ng court,nakapag-ambag naman si Jordan ng 9 na puntos at 8 rebounds sa loob ng 18 minuto na itinagal niya sa laro.
Na-thrownout si Jordan , may 6:49 pang nalalabi sa third quarter matapos makakuha ng dalawang sunod na technical fouls mula kay referee Marc Davis , lamang ang Clippers, 66-52, dahil sa pagri-reklamo nito sa tawag sa isang loose ball battle nila ni Bucks guard Michael Carter-Williams.
Nagdagdag naman si J.J. Redick ng 19 puntos at 15 puntos si Blake Griffin para sa Clippers na galing sa 4-1 trip na nagtapos sa overtime win kontra Detroit .
Ang kabiguan ang ika-11 sunod naman para sa Bucks na pinangunahan nina OJ Mayo at Carter Williams na kapwa nagtapos na may 17 puntos sa kanilang road games. (AP)