FILE_RAVENA_05 copy

UAAP superstars Ravena, Ferrer, kasali na sa ensayo ng Gilas.

Halos dalawang linggo na mula nang maganap ang “final buzzer” para sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament, at ang dalawang pinakasikat na manlalaro ng dalawang koponan ay umusad na sa kanilang unang hakbang tungo sa mas mataas na antas ng kumpetisyon.

Mula sa nakapanghihinang resulta ng UAAP, sina University of the Philippines (UST) Growling Tigers skipper Kevin Ferrer at Ateneo Blue Eagles superstar Kiefer Ravena ang pinakahuling idinagdag sa mga manlalaro na dumating para sa night practice squad ng Gilas Pilipinas tuwing Lunes.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Parang dati lang pinapanood ko lang sila ngayon nakasama ko na,” ang pag-amin ni Ferrer. “Sobrang babait nila, hindi ka papabayaan at tuturuan ka kung anong mali na ginawa mo.”

“It’s really different playing against imports (in the UAAP) but at the same time eto pagdating mo (to Gilas training) sila JunMar (Fajardo), sila Greg (Slaughter) parang ganun na rin,” ang sabi naman ni Ravena.

Sa isang nakapanlulumong karanasan kung saan halos ay abot-kamay na ng kanyang koponan ang korona sa UAAP, inamin ni Ferrer na marami siyang natutunan sa collegiate ranks subalit nag-uumpisa muli siya sa ibaba.

“Ayoko munang balikan ang nangyari, natututo na ko doon e. So move on na, bagong journey,” ang dagdag pa nito. “Back to zero ulit kasi ibang level na to.”

Ayon naman kay Gilas coach Tab Baldwin, ang presensiya ng dalawang UAAP superstars na sina Ravena at Ferrer ay maituturing na magandang pagsulong hindi lamang para sa kapakanan ng kanilang personal development kundi pati na rin sa intensity ng koponan sa pag-eensayo.

“We think it’s good for the young guys for the environment that we have here,” ang sabi ni Baldwin. “(They) give a little bit of intensity that we’re lacking sometimes.”

Gayunman, niliwanag ni Baldwin na kahit na nag-eensayo ang dalawa para sa nationals, hindi pa rin umano sila opisyal na kabilang sa ngayon.

“We announced that pool because that was an agreement with the PBA,” dagdag pa ni Baldwin. “These guys aren’t part of the PBA so they are really just here at my behest.”

“They’re helping us out but obviously it’s something that’s good for them and it makes a good impression for the Gilas coaching staff for the future, whenever that future is.”

Samantala, inamin ni Baldwin na may ilan pang mga collegiate player ang inaasahan na dadagdag sa current Gilas Pilipinas training pool na nag-eensayo sa Meralco Gym.

Inihayag ni Baldwin, may mga napipisil na siyang collegiate stars na sasama sa kanilang training camp simula sa susunod na taon.

Sa ngayon ay sina Ateneo stalwart Kiefer Ravena at UST standout Kevin Ferrer pa lamang ang sumipot sa ensayo.

Halos hindi makumpleto ang 17-man PBA pool sapul nang simulan nila ang Monday-only practice sessions noong Nobyembre 9.

Kinakailangan ni Baldwin ng mga karagdagang manlalaro dahil ilan sa mga PBA player ay may iniindang injury o may commitment pa sa kani-kanilang ballclubs.

“Every player that we will choose in the end is there because in some ways they make the team better. They’re not there because somebody wants them there,” ani Baldwin ”Because of some future aspirations or anything like that.

They are there because in some ways they’re making this basketball team a better basketball team.”

Ibinunyag naman ni Gilas assistant coach at FEU head guru Nash Racela na tiyak na sasama sa ensayo si King Tamawar Mac Belo.

Hindi naman nagbigay ng katiyakan si Baldwin sa mga college player na mabibigyan ito ng slot sa final line-up sakali man na magpakitang gilas ang mga ito sa practice sessions.

“There’s no real plan behind that other than provide us more bodies for training. Obviously if a player proves his worth, I’m not going to hold him back,” ani Baldwin.

Naghahanda ang Gilas para sa July 2016 Olympic Qualifying Tournament (OQT) upang madetermina ang huling tatlong bansa na sasabak sa basketball competitions ng Olympic Games sa Rio de Janiero, Brazil.

(Dennis Principe/CNN Philippines)