Nagsisimula na ang Malacañang na magsagawa ng proactive steps para sa paggamit ng mga solar at hydro-power plant bilang paghahanda sa pagtugon nito sa commitment ng Pilipinas sa nilagdaang sa Paris Climate Change Agreement.

Magugunitang inihayag ng ilang eksperto na malaking hamon sa Pilipinas ang pinasok na deal dahil sa mga bagong kontrata ng coal power plants na pangunahing pinanggagalingan ng carbon dioxide na sanhi ng global warming.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na nagsasagawa na ang Pilipinas ng proactive steps, gaya ng National Greening Program at Renewable Energy programs, na nagpapakita ng suporta ng gobyerno sa paggamit ng solar at hydro-power plants.

Ayon kay Coloma, nariyan din ang national operation assessment of hazards para matukoy ang pinakamalaking contributor ng carbon emission.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Umaasa ang Pilipinas na sama-samang tutuparin ng 195 bansa ang commitment sa Paris deal para maibaba sa target na 1.5 degrees Celsius ang level ng global warming. (Beth Camia)