Globa_Port_02_Dungo,jr_091215 copy

Ang ipinakitang dalawang sunod na pasabog sa performance ni Terrence Romeo kontra Meralco at Mahindra ang naging susi upang makamit niya ang unang Accel-PBA Press Corps Player of the Week ngayong 41st PBA season.

Ipinakita ng 5-foot-10 GlobalPort guard kung bakit kinukonsidera siya ngayon bilang isa sa pro league fast-rising superstar matapos niyang ungusan ang beteranong Meralco guard na si Jimmy Alapag sa naitala ng Batang Pier na 108-104, panalo kontra Bolts noong Disyembre 9.

Rumatsada ang last season’s Most Improved Player sa final period kung saan isinalansan nito ang 12 sa kanyang season-high 33-puntos at maunsiyami ang pagputok ni Alapag sa last-quarter.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Apat na araw matapos ito, bumawi si Romeo sa kanyang matumal na shooting sa 3- point arc, nang ipanalo nitong muli ang Batang Pier pagkaraang maibuslo ang nag-iisang 3-pointer niya na sinundan ng lay-up kasunod ng isang crossover move para maungusan nila ang Mahindra sa overtime, 118-116.

Dahil sa panalo, umangat ang GlobalPort sa solong ikaapat na puwesto taglay ang barahang 7-3, panalo- talo, na nagbigay sa kanila ng bentaheng twice-to-beat papasok ng quarterfinal stage.

Ang dating UAAP MVP mula sa Far Eastern University (FEU) at nagtala ng average 31-puntos, 6.5 rebound at 4.0 assist sa dalawang sunod na panalo ng Batang Pier, 2-0, noong isang linggo.

Tinalo niya para sa citation ang kakamping si Stanley Pringle, San Miguel Beer guard Alex Cabagnot, Blackwater guard Carlo Lastimosa at Barangay Ginebra rookie Scottie Thompson.

“Wala akong masasabi sa bata (Romeo) kasi nung kailangan ng three points, dun siya pumutok. Hindi siya nawalan ng kumpiyansa dahil naitabla niya tapos in transition nai-shoot pa nya (against Mahindra),” ani GlobalPort coach Pido Jarencio. (Marivic Awitan)