Lumabas sa Special Audit Report ng Commission on Audit (CoA) na isang umano’y paboritong kontratista ni Vice President Jejomar Binay ang nanalo sa bidding para sa proyekto ng Makati Parking Building II.

Sinabi sa report ng CoA na nagsumite ng pekeng accomplishment report ang Hilmarc’s Construction upang makakolekta ng bayad kahit kaunti pa lang ang natatapos na konstruksiyon.

Dahil dito, nakakolekta ng P1.3 bilyon ang Hilmarc company kahit hindi pa nakukumpleto ang pagkukumpuni sa proyekto, kaya maituturing na advance payment ito na ipinagbabawal ng batas.

“Ang construction ng Makati Parking Building nang walang aprubadong reference plan para sa 11-palapag na gusali na may roof deck at ang kawalan ng panuntunan na nagtatakda ng limitasyon ng bawat bahagi ng proyekto, gayundin ng takdang halaga nito, ay labag sa tuntuntin ng batas at dahilan para pagdudahan ang tunay na halaga ng building,” ayon sa CoA report.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Patuloy ang pagsalag ng kampo ni Binay sa mga alegasyong ito na tinawag ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na pag-iwas sa mga isyu dahil sa hindi tuwirang pagsagot sa mga hinaharap na batikos. (Beth Camia)