Isang barangay kagawad ang namatay makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nagmamaneho ng tricycle sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Dead on the spot si Lorenzo Saclao, 41, kagawad ng Barangay 56, Zone 5 at residente ng 747 Pavia Street, Tondo, Maynila, bunsod ng tinamong tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 8:00 ng gabi sa kanto ng Asuncion at Morga Streets sa Tondo.

Namamasada umano ng tricycle ang biktima nang bigla na lang sumulpot ang suspek na sakay ng isang motorsiklo at sinabayan ang biktima saka pinaputukan sa ulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa mga saksi, mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Inaalam naman ng pulisya kung sino ang may kagagawan at ang motibo sa krimen. (Mary Ann Santiago)