Laro ngayon Martes (Dec. 15)

Marikina Sports Center

8:00 p.m. FEU-NRMF vs Hobe Bihon-Cars Unlimited

Tinambakan ng Hobe Bihon-Cars Unlimited ang Far Eastern University (FEU)-NRMF, 72-57, nitong Linggo para makahirit ng “winner-take-all” game para sa kampeonato ng 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa unang quarter pa lang ay umarangkada na ang Hobe Bihon-Cars Unlimited para makuha ang 22-14 kalamangan at hindi na lumingon pa.

Gumawa ng 21-puntos at walong rebound si Rodrigue Ebondo at nagdagdag ng 20-puntos at 14 rebound si Laundry Sanjo para sa Hobe Bihon, na nagkampeon sa liga noong 2012 at 2013.

Ang FEU ay pinangunahan ni dating PBA player Leo Avenido na may 12- puntos.

Ito ang kauna-unahang pagkatalo ng FEU Tamaraws na winalis ang elims at semis tungo na paghugot ng twice-to-beat incentive sa finals.

Sa Martes, muling maghaharap ang Hobe at FEU para sa titulo ng ligang itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Fat Cousins, Angels Burger, Mckies Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona.

Samantala, iniuwi na ng Sta. Lucia Land Inc., ang ikatlong puwesto matapos biguin ang Philippine Christian University(PCU), 81-75, sa battle for third place.

Ang champion team ay mag-uuwi ng P200,000 premyo at tropeyo habang ang 1st runner-up ay mananalo ng P100,000.

(ANGIE OREDO)