Hindi akalain ng isang barker na ang mismong pinsan niya ang papatay sa kanya, makaraan siyang patraydor nitong saksakin habang nakikipagkuwentuhan siya sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng hapon.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Danilo De Asis Trinidad, 49, ng 997 Dagupan Street, Tondo, dahil sa tinamong saksak sa likod.

Tumakas naman matapos ang krimen ang suspek na si Edgardo De Asis Nobleza, 48, ng 1049-C Dagupan St., Tondo.

Lumilitaw sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, na nangyari ang insidente dakong 2:30 ng hapon sa Barrio Menu, sa Dagupan Street.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakikipagkuwentuhan ang biktima nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang suspek at saka siya inundayan ng saksak sa likod bago tumakas.

Naiwan pa umano ng suspek sa crime scene ang kutsilyong ginamit sa krimen, na ang matagal nang alitan sa pagitan ng magpinsan ang tinitingnang motibo. (Mary Ann Santiago)