Coco at Vice copy

FIRST time papasukin ni Coco Martin ang comedy sa pamamagitan ng pelikulang The Beauty and the Bestie kasama si Vice Ganda. Dahil bago sa kanya ang gagawin niya, sobrang naging open daw siya sa lahat. Bigay na bigay siya sa bawat eksena lalung-lalo na sa mga eksena niya with Vice.

“Kapag nasa isip ko na hindi ko kaya, ‘pinipikit ko na lang ang mata ko. Pero sa suportang ibinibigay nila, nakakaraos naman po. At nang makita ko ‘yung ginawa namin sa dubbing, sabi ko, sobrang sulit ang ginawa namin dito.

“Kahit ‘yung buwis-buhay namin sa helicopter, sobrang sulit po. Sobra akong natuwa rito,” may pagmamalaking sabi ni Coco.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Matagal nang magkaibigan sina Vice at Coco kaya marami na silang sekretong alam sa isa’t isa. Ibinuko ni Coco na hindi raw Chinese ang bagong boylet ni Vice.

“Hanggang doon lang ang p’wede kong sabihin dahil baka mag-away kaming muli. Basta ako masaya ako kung masaya siya.

Pero kung alam kong peperahan lang naman siya, ayoko talaga,” prangkang pahayag ng Primetime King.

Mariing banggit ni Coco, ayaw na ayaw niyang makarinig ng isyu na piniperahan lang si Vice ng mga lalaki.

(JIMI ESCALA)