BEIJING (Reuters) – Kinumpirma kahapon ng Defense Ministry na nagsagawa ng mas maraming military exercises ang Chinese Navy sa pinag-aagawang South China Sea sa nakalipas na mga araw, at tinawag ang mga ito na routine drill.

“The People’s Liberation Army Navy in recent days organized a fleet to go to relevant seas in the South China Sea, by way of the Western Pacific, to carry out exercises,” saad sa pahayag ng Defense Ministry ng China. “This action is a routine arrangement made in accordance with this year’s naval training plan.”

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, na dinadaanan ng mahigit $5 trillion ng kalakal kada taon. Inaangkin din ng Pilipinas, Brunei, Vietnam, Malaysia at Taiwan ang ilan sa mga isla sa lugar.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina