NAGHAHANDA ang sundalo at kanyang maybahay para sa binyag ng kanilang anak na babae nang dumating ang paring magbibinyag.

Tinanong ng pari ang ama, “Handa ba kayo spiritually para sa sagradong okasyon na ito?”

“Hindi ko po alam, Father,” ayon sa sundalo. “Pero sapat na po ba ang dalawang bote ng whiskey, isang brandy, at dalawang case ng beer?”

Malinaw namang hindi ang uri ng kahandaang “spiritual” ang tinutukoy ng pari. Ito ay ang disposisyong ispirituwal ng ama kaugnay ng pagbibinyag sa kanyang anak.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

***

Ang Pasko ay isang relihiyosong event. Nakakalungkot lang na nakakalimutan na ito ng ilan sa ngayon, dahil nananaig na ang agresibong materyalistiko at commercialized na selebrasyon.

Sa kabila nito, ang isang mabuting paraan ng paghahanda sa Pagsilang ng Messiah ay ang pagdalo sa Simbang Gabi, isang siyam na araw na novena ng mga Misa, na magsisimula sa Disyembre 16.

Ang siyam na magkakasunod na araw ng Misa na nagbibigay-pugay sa Inang Maria ay bahagi ng relihiyosong kultura ng mga Pilipino na impluwensiya ng Advent customs na nagsimula sa Mexico noong 1587.

***

Orihinal na para sa mga magsasakang gumigising nang madaling araw para dumalo sa Misa, kaya tinaguriang Misa de Gallo, ngayon ay mayroon na rin tayong Simbang Gabi sa gabi, Simbang Umaga, sa huling bahagi ng umaga, at Simbang Tanghali.

Ang iba naman ay nagsi-Simbang Gabi pagkatapos ng magdamagang pagpa-party, kaya naman naghihilik lang sa pagkakaupo sa loob ng simbahan; o Simbang Tulog.

***

Ang iba ay dumadalo sa Simbang Gabi upang magpasalamat sa mga natatanggap na biyaya. Ang iba ay panata nang kumpletuhin ang siyam na araw ng pagdarasal para sa espesyal na hinihiling, gaya ng pagpasa sa board exam, pagkakaroon ng visa para makapagtrabaho sa ibang bansa, o paggaling ng karamdaman.

Kung anuman ‘yun, isa itong akmang oportunidad para manalangin at pasalamatan si Hesukrisyo na nakapiling natin sa mundo upang iligtas tayo sa ating mga pagkakasala.

***

Sa panahong ito ng pagsasaya at walang katapusang mga Christmas party, tandaan natin ang utos na ito: “Thou shalt not weigh more than thy refrigerator.”

***

‘SIMBANG GABI SA TV.’ Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga may sakit at matatanda na hindi makadadalo sa Simbang Gabi sa simbahan, isasahimpapawid ng Mission Communications Foundation, Inc. (MCFI) ang siyam na araw na Misa sa ABS-CBN Channel 17, simula sa Disyembre 16 (Miyerkules), 5:00-6:00 ng umaga. (Fr. Bel San Luis, SVD)